DAGUPAN CITY- Naging oportunidad sa para sa ilang Cooperative ang Public Utility Vehicle Modernization Program upang hindi na maging kolorum pa.
Ibinahagi ng ilang mga kooperatiba ang iba’t ibang magagandang benepisyo para sakanilang hanay.
Ayon kay Manny De Vera, Chairman ng Tayug Transport Cooperative, agad nilang niyakap ang programa dahil ito ang kanilang kauna-unahang magkakaroon ng legal franchise para sa kanilang komunidad.
Sinabi naman ni Norberto Del Prado III, chairman ng Pangasinan Transport Cooperative, hindi pa man perpekto ang programa subalit hinihikayat nilang pag-aralan ito habang nagpapatuloy ang programa.
Inihayag naman ni Jessie Quiroz, Chairman ng Dagupan City Bonuan Loop Transport Cooperative, ang mga nakuha nilang magagandang bagay dahil sa programa tulad na lamang ng employee and employer relationship at employment security
Bukod dito, nakakapagbigay din sila ng magandang serbisyo para sa mga mananakay.
Dagdag pa niya, kung ikukumpara sa nakaraan, wala umanong kaayusan sa mga kooperatiba at trapiko hindi tulad ngayon na nagkaroon ng kaayusan dahil sa programa.