DAGUPAN CITY- Nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan ang isang 48 anyos na lalaki sa bayan ng Calasiao matapos mabagsakan ng puno ng mangga ang kanilang bahay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Joy Soriano, Local Disaster Risk Reduction Management Officer III, dakong alas 12 ng hapon nang may isang concerned citizen ang nagreport sa kanila kaugnay sa insidente.

Kinilala ang biktima na si Amadeo Layno, residente ng Brgy. San Miguel, sa nasabing bayan. Siya ay natrap sa kanilang pamamahay nang matapos ang insidente.

--Ads--

Dalawa sila ng kaniyang kapatid ang nakatira sa nasabing bahay ngunit mag isa lamang niya sa oras ng pangyayari.

Aniya, dahil sa malakas na pag-ulan kasabau ng ipo-ipo ang naging dahil ng pagbagsak ng puno na sumira sa kanilang bahay.

Agad naman ito nirespondehan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Calasiao at Bureau of Fire Protection – Calasiao upang iligtas si Layno.

1:42 ng hapon nag mailabas si Layno at agad din itong dinala sa pagamutan.

Nagtamo naman ito ng mga sugat at pasa lalo na sa kaniyang mukha. Napag-alaman din na naggaling ito sa stroke.

Nagsasagawa naman ng clean up drive ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calasiao para sa monitoring.

Paalala naman ni Soriano na manatiling maging alerto at kung may nais ireport o kung nais na humiling ng tulong ay agad na pumunta sa kanilang ahensya o di kaya ay tawagan lamang ang kanilang opisina.