Dagupan City – Lumobo pa sa 2.70% ang kita ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa unang anim na buwan ng 2024.

Ayon kay LTO-NCR Financial Management Division (FMD) Chief Annabelle N. Quevedo, nalagpasan na ng ahensiya ang first half revenue collection noong nakaraang taon na nasa P4.5-bilyon, matapos na pumalo ngayon ang nakolektang revenue ng ahensya sa P4.67-B.

Kung saan ang pinakamalaking bulto ng revenue ay mula sa registration at licensing.

--Ads--

Habang tinukoy naman ni Quevado na ang mataas na koleksiyon ng ahensiya noong mga buwan ng Enero, Pebrero, Abril at Mayo ay sumampa lamang sa P3.22-B.

Isa sa mga nakapag-ambag dito ay ang mga nahuling motorista na lumabag sa Law Enforcement and Traffic Adjudication System (LETAS) kung saan ay umabot ito sa P49.4-M.

Samantala, nasa P8.4-M naman ang nakolekta sa Motor Vehicle Inspection Center (MVIC).

Kaugnay nito, ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III, target nilang mapalawak pa ang revenue growth ng ahensiya sa ikalawang bahagi ng 2024.