BOMBO DAGUPAN- Mahigpit nang ipinapatupad ng Bureau of Internal Revenue ang pagpataw ng 1% withholding tax sa mga nagbebenta online.
Ayon kay Ma. Lara Naniasca, Revenue Officer III-A ng BIR-calasiao, layunin nitong ma-secure ang remitance ng tax at hindi na mawala pa.
Ang mismong soure na aniya ang kailangan magremit sa BIR upang maiwasan ang ilang aberya.
Ani Naniasca, ang withholding tax ay ang halagang kinakaltas ng mga source ng income sa mga online sellers bilang advancement sa kanilang income tax.
Ibinabawas dito ang 1% sa gross remitances ng mga e-market place operators at digital financial services providers sa mga sellers at merchants.
Hindi lamang sakop dito ang mga tax payers na may kabuoang annual gross remitances na P500,000 para sa nakaraang pagbubuwis. At ang may accumulative gross remitances ngayon taon na hindi lumalagpas sa parehong halaga.
Sinabi naman ni Naniasca na may kabuoang 634 registered online sellers sa revenue district 4, subalit marami pa din ang mga unregistered.
Dagdag pa ni Naniasca ka mas maiging kumuha ng Department of Trade and Inudstry Certficate ang mga magrerehistro na may trade name. At tsaka pumunta sa himpilan ng BIR upang tuluyan ito mairehistro.
Madali lamang aniya ang pagproseso nito at kailangan lamang dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng Form 1901 at 1903 na kailangan ma-fill up-an sa kanilang himpilan, photocpy ng kahit anong government ID, at secretary certificate.
Kung sakali man na representative ang magsasagawa ng transaction para sa tax payer, kailangan naman ng special power of attorney at photocopy ng ID. Kailangan din aniya ng sample receipt approved.