BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo! Isa ka ba sa mga mahilig magsurfing?

Huwag ka dahil nakipagsabayan ang mga alagang aso sa mga alon sa kanilang pagsabak sa World Dog Surfing Championships na ginanap sa California, USA.

Sa isang ulat ay mapapanood ang tagisan ng mga aso ng kanilang galing sa pagsabay sa hampas ng alon habang sakay ng board.

--Ads--

Maliban sa kanilang surfing skills, nagpaandar din ang ilang surfing dogs sa kanilang “aw-aw-TDs” (OOTDs).

Layunin ng taunang contest na bigyan ng spotlight ang mga aso na nangangailangan ng tulong at makalikom ng donasyon para sa kanila