BOMBO DAGUPAN – “Isang strategic na pagpili.”
Yan ang ibinhagi ni Gabriel Ortigoza Bombo International News Correspondent USA kaugnay sa opisyal na pag-annunsiyo na nakapili na si US Vice President Kamala Harris ng kaniyang runningmate sa halalan sa buwan ng Nobyembre sa katauhan ni Minnesota Governor Tim Walz.
Ayon kay Ortigoza ay mainit na mainit ang naging pagtanggap sa tandem ng dalawa at mas lalong lumakas ang kanilang laban sa nalalapit na halalan sa Estados Unidos.
Kung saan ang kanilang first official announcement sa kanilang rally ay nakalikom agad ng 20 million US dollars para sa kanilang kampanya.
Si Governor Walz ay isang retired army member ng national guard ng 24 na taon, siya rin ay isang guro at naging coach din ng football.
Ani Ortigoza na madaming dala dalang experience si Walz na siya namang dahilan kung bakit siya ay pangmasa o gusto ng marami.
Bukod pa diyan ay siya din ang may akda ng free breakfast and lunch sa mga pampublikong paaralan sa minnesota na ani Ortigoza ay dapat ma-adapt din dito sa bansa.
Samantala, kaugnay naman sa debate sa pagitan ni Ex. US President Donald Trump at US Vice President Kamala Harris aniya ay tila umiiwas si trump dito bagamat ay may fact-checking na magaganap nangangahulugang dapat totoo lamang ang sasambitin at hindi pawang kasinungalingan.