BOMBO DAGUPAN – “Masayang masaya sa pagkapanalo ni Pinay Boxer Aira Villegas.”

Yan ang ibinahagi ni Vladelyte Valdez kaugnay sa pagkapanalo ng bronze medal ni Villegas gayunpaman kahit hindi niya nagawa pang makaabante upang sungkitin ang gintong medalya matapos itong matalo sa laban nito kay Turkish Boxer Buse Naz Cakiroglu sa semifinals ng Women’s 50kg Boxing Division sa nagpapatuloy ng 2024 Paris Olympics.

Aniya ay nahirapan siyang dominahin ang kalaban subalit binigay naman nito ang lahat ng kaniyang makakaya at makikita na gustong gusto niya talagang manalo.

--Ads--

Subalit ani Valdez ay hindi pa siguro ito ang kaniyang oras pero maaari pa naman siyang sumubok ulit sa susunod na pagkakataon.

Kaugnay naman nito aniya ay panahon na para magkaroon ng sporting activities ang bansa kahit medyo may kamahalan ito dahil kita naman talaga ang sakripisyo at dediskasyon ng ating mga atleta.

Samantala, sa naging final match naman ni Pole Vaulter EJ Obiena aniya bagamat ay kinapos din ito subalit ang maqualify lamang sa finals at makapagbigay ng honor sa bansa ay isa ng napakalaking bagay.

Kaya’t mainam lamang na irespeto ang ating mga atleta at matuto tayong tanggapin anuman ang naging resulta ng olympics.