DAGUPAN CITY- Umabot sa 127 bilang ng mga nabiktimang Sangguniang Kabataan Chairman at Kagawad ng San Carlos City ng hinihinalang na-food poison sa isang hotel sa Subic Bay Freeport kahapon, Agosto 6.

Ayon kay San Carlos City Mayor julier ‘Ayoy’ Resuello, nangyari ang insidente sa isinagawang 3-day Gender Awareness and Sensitivity Seminar ng Sangguniang Kabataan. Higit 300 na SK personnel ang dumalo kabilang ang syudad ng San Carlos.

Agad naman itinakbo sa iba’t ibang ospital sa Lungsod ng Olongapo ang mga pasyente na nakaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi. At sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ang ilang mga indibidwal.

--Ads--

Samantala, pinasasalamatan naman ni Resuello ang mabilis na pagresponde ng rescue team mula sa Olongapo DRRMO, Red Cross, SBFZ Fire Rescue Team, at ilang barangay ng lungsod.

Nagpahayag naman si Sales and Marketing Director Jorgen Michae Te, ang spokesperson din ng Subic Bay Travelers Hotel, na sasagutin nila ang mga gastusin at pangangailan pangmedikal ng mga biktima.

Gayunpaman, inaalam pa ang pinagmulan ng nasabing food poisoning at patuloy din ang pag iimbestiga sa pangyayari.