BOMBO DAGUPAN- Dapat matigil nang gamitin ang mga kabataan para sa terorismo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ernesto Alcanzare, President at CEO ng Yes for Peace, Inc., lumalabas sa report ng PNP sa isinagawang pagdinig na 133 lang ang narecruit ng CPP-NPA sa loob ng 10 taon.
Maliit man ang bilang ng mga narerecruit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa mga high education institutions taon-taon, ngunit nasisira pa din ang kinabukasan ng mga ito.
Gayunpaman, kailangan pa din matigil na madawit umano ang mga kabataan.
Ani Alcanzare, dapat mabago ang kaisipan na paggamit ng armas upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.
Maaari naman aniyang maging vigilant nang hindi umaanib sa CPP-NPA tulad ng aktibistang grupong AKBAYAN.
At hindi dapat aniya tumutulad sa mga leftist na ngsusulong ng armadong pakikipagdigmaan.
Giit ni Alcanzare, para bang hindi tunay ang paglaban ng mga ito para sa mga mahihirap kundi pinagkakakitaan lamang.
Idiniin din niya na dapat nang magising ang CPP-NPA na malabo ang kanilang hangarin.
Kaya kinakailangan nang gumawa ng paraan upang mapigilan ang pakikianib ng mga kabataan.
Kaugnay nito, maliit lang kase ang kanilang narerecruit kumapra sa kabuoang bilang ng mga estudyante sa buong bansa.
Aniya, mas mabuting isuko na lang nila ang kanilang armas at magbalik loob sa lipunan upang tumulong sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.
Dagdag pa niya, tanggapin na lamang nila ang ibinibigay ng gobyerno sakanila dahil gumagawa din ng mga ito ng pagbabago sa lipunan.