BOMBO DAGUPAN – Hiyawan ang mga Pinoy Midzy’s matapos sayawin ng sikat na K-pop girlgroup na ITZY sa kanilang concert ang pinakamainit na P-pop dance craze, ang BINI’s “Pantropiko.”

Ipinakita nila ito nang live sa kanilang Born To Be concert sa Manila, na ginanap sa MOA Arena nitong Sabado ng gabi, Agosto 3, 2024.

Mid-show na noon nang sabihin ni Ryujin miyembro ng grupo na sila ay nakakuha ng maraming request mula sa Pinoy MIDZYs na gawin ang dance challenge.

--Ads--

Pagkatapos ay biglang sumayaw sina Yuna at Chaeryeong, na binigay ang kanilang pinakamahusay na bersyon ng “Pantropiko,” ang hit na kanta ng P-pop group na BINI.

Pagkatapos sayawin ang chorus ng kanta, tinuro nina Yuna at Chaeryeong kanila Ryujin at Yeji para subukan naman ito.

Nang ang mga tao ay sumigaw ng “Isa pa” ang grupo ay kaagad naman na sinayaw itong muli, na labis na ikinatuwa ng lahat.

Bukod pa rito ay din ng ITZY ang catchphrase ni BINI Sheena na “Eyyyy” habang inulit nila ito sa entablado para mas makakonekta sa kanilang mga tagahanga.