BOMBO DAGUPAN – Natuloy na ang Division Launching event ng MATATAG CURRICULUM ngayong araw sa Schools Division Office sa Division Training Center, sa lungsod ng San Carlos.
Ito ay sa pangunguna ni Schools Division Superintendent of Schools Division Office – San Carlos City, Dr. Sheila Marie A. Primicias, CESO VI kung saan ang launching ay nagsisilbi ding awareness campaign para sa publiko lalo na para sa mga magulang na mayroong bagong curriculum.
Ang launching ay dinaluhan nina Dr. Domingo L. Laud, CESE, ang OIC- Office of the Assistant Schools Division Superintendent, Ms. Magdalena M. Palisoc, ang City Federated Parent Teacher Association President, Dr. Edita R. Pridas, ang CID Chief, Mr. Marlon B. Ecol, ang SGOD Chief, at Mr. Dennis Donald L. Doria, ang Administrative Officer V.
Kasama rin ang hanay ng kapulisan, ilang Brgy. kagawad at ilang volunteers upang mapanatili ang seguridad ng mga dumalo.
Ayon kay Dr. Sheila Marie A. Primicias, mayroong iba’t ibang programa sa ilalim ng MATATAG CURRICULUM na ginawa ng mga educational program supervisor, na silang nagsilbing focal person para mas matutukan ang mga naiiwang mga bata pagdating sa edukasyon.
Ang MATATAG CURRICULUM ay aasikasuhin hindi lamang ng mga guro kundi pati na rin ang buong komunidad kung saan ito ay hindi lang para sa mga public schools kundi para rin sa mga private schools.
Paalala naman ni Dr. Sheila na ngayong naumpisahan na ang bagong kurikulum ay ipagpatuloy lang dapat nila ito at kung may makita man silang kailangang iimprove ay agad naman silang aaksyon para sa tulong.