BOMBO NEWS ANALYSIS – Pagbukas ngayon ng facebook account ay puro online selling na ang makikita.
Iba’t ibang produkto, mga house for sale at condominiums, maging mga gamot at beauty products na minsan ay mga peke.
Maging sa Marketplace page sangkatutak na for sale.
Dapat lang patawan ng withholding tax ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon sa BIR, bilyong bilyong pisong buwis ang inaasahang makokolekta mula sa lumalaking e-marketplace industry makaraang isailalim ang online sellers sa withholding tax system.
Sa ilalim ng Revenue Regulation (RR) No. 16-2023, kalahati ng gross remittances ng e-marketplace operations at digital financial services providers sa sellers o merchants’ para sa goods o services na binayaran sa pamamagitan ng kanilang platform ay papatawan ng 1% creditable withholding tax.
Ang withholding tax ay ang halaga na wini-withhold ng isang negosyo sa pagbabayad ng goods o services na direktang nire-remit sa gobyerno sa ngalan ng suppliers o employees.
Kung makakokolekta ang BIR, malaking bagay na ito sa ating gobyerno para magamit sa ibat ibang programa at proyekto.
Ngunit dapat na bantayan ang makokoletang withholding taxes mula sa mga online sellers at nang hindi mapunta sa bulsa ng mga gahaman.
Tiyakin ding sana na ito ay magamit sa tama para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.