Dagupan City – Nanawagan si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na sana’y agad na aprubahan ng 7 Majority Councilors ang Resolution tungkol sa inilaan nitong pondo para sa umento sa sahod ng mga government employees sa lungsod na nagkakahalaga ng P37 million.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa alkalde, ayaw na nitong maulit pa ang nangyaring pagharang ng mga ito sa budget ng mga empleyado sa kanilang Bonus at 13th month pay na tumagal ng 4 hanggang 5 buwan bago naibigay.

Inihalimbawa naman nito ang pagrereserba ng pondo para sa salary increases ng mga empleyado na retro-active noon pang Enero 2024 na ibibigay ng 4 na bugso.

--Ads--

Dahil dito ang pondong nireserba ay magandang balita sa mga empleyado, kung saan ay hindi nito pinayagan na magalaw o mapakialaman dahil nakalaan ito para sa mga regular employees na under ng Salary Standardization Law No. 6 na deneklara ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na nabanggit ng pangulo sa kanyang nakaraang ikatlong State of the Nation Address ang pagtaas ng sahod ng mga Government Employees kung saan pinagtibay ito ng Executive Order No. 64 upang sa gayon ay maibigay sa mga ito ang sapat na sahod dahil sa mga nagtataasang presyo ng mga bilihin.