Dagupan City – Muling lumakas ang palitan sa piso kontra dolyar sa ika-4 na sunod na trading day.
Ayon sa ulat, ang local currency ay lumakas ng 18 centavos dahilan upang magsara ito sa P57.9 kada dolyar na dating P58.08 kada dolyar 1 noong nakaraang linggo.
Matatandaan na noong lamang Mayo 20, naging pareho ang naitala ngayon. Nananatili naman sa Mayo 17 ang best performance matapos na magsara ang piso sa P57.62 kada dolar.
Ang paglakas ng palitan ng piso nitong ngayong linggo ay kasunod ng paghina ng dolyar kontra sa major global currencies sa gitna ng paglakas ng Japanese currency sa mahigit seven-month highs.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort sa ulat, nagresulta ito sa paglakas ng iba pang currencies sa Southeast Asia at sa Asia sa kabuuan, kabilang ang piso.
Habang ang paghina naman ng dolyar ay sa gitna ng profit taking sa American tech shares sa nakalipas na tatlong linggo, ng soft employment data sa US, at ng iba pang economic releases na maaaring magpahiwatig ng panganib ng recession.