Dagupan City – Mga kabombo! Marahil ay hindi na bago sa inyo ang content na free hugs.

Ngunit mistulang imbis na comfort ang maibigay, rhimas rehas pa.

Isang vlogger kasi sa Algeria ang arestado matapos magsagawa ng social experiments sa kaniyang videos kung saan ay libre nitong niyayakap ang mga random strangers na layong magpakalat ng peace and love sa kanilang kapwa.

--Ads--

Kinilala ang vlogger na si Mohamed Ramzi. Lingid kasi sa kanyang kaalaman, ang ganitong video pa ang magiging dahilan ng kanyang pagkaaresto.

Sa kanyang vlog, nakita kung paano niyakap ni Mohamed ang ilang dumadaang estranghero, ngunit hindi niya naisip na hindi katanggap-tanggap sa kultura nila ang ganitong asal.

Dahil dito, sinampahan si Mohamed ng kasong indecent behavior. Bukod pa rito ang kasong display of indecency dahil sa isa niya pang video kung saan makikita ang dalawang kababaihan na nakasuot ng maikling palda at may tattoo.

Sa una, nahatulan siya ng not guilty; ngunit nang dalhin sa Algerian Judicial Council ang kanyang kaso, dito na napatunayang nagkasala siya.

Nakulong siya ng dalawang buwan at pinagbayad ng multang nagkakahalaga ng P2.1 million.