BOMBO DAGUPAN- Hindi naging masaya ang Kilusang Mayo Una sa pinirmahang Executive Order no.4 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kilusang Mayo Uno Chairman Jerome Adonis, susumadahin pa nila ito dahil binarat at P500 kada taon lamang ang karagdagang sahod para sa mga manggagawa ng gobyerno.

Maliban diyan, kakaonti lamang din ang makakatanggap at hindi pa kabilang dito ang job orders at rank and file employees.

--Ads--

Kung pagsusumahin ay mas maliit pa ito sa natatanggap ng mga private sectors na P35 sa pamamagitan ng regional wage board dahil nasa P22 lamang ang karagdagan sahod sa araw araw na pagpasok ng mga government workers.

Giit ni Adonis, malinaw na hindi gusto ng pangulo na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa nakabubuhay sa pagtaas.

Hind rin ito makatwiran dahil karamihan sa mga front lines ay humaharap sa iba’t ibang serbisyo.

Kaya ani Adonis, hindi dapat magtapos ang paglaban sa karapatan ng mga manggagawa hanggang sa maabot ang nararapat na sahod at benepisyo para sa mga ito.

Giit pa ni Adonis, hindi nagiging solusyon ang mga programa ni Pangulong Marcos dahil hindi naman ito tuwirang lulutas sa pangangailan ng mga manggagawa.

Maliban din kase sa pasahod, tila walang plano din ang gobyerno na gawin regular ang mga kontraktwal na manggagawa.