BOMBO DAGUPAN- Pagbibigay pugay sa identidad ng mga Pilipino na nagbubuklod-buklod sa bawat isa ang pagdiwang ng Buwan ng wika.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Jose Evie Duclay, Linguistic Specialist ng Komisyon sa Wikang Filipino, marami man ang diyalekto sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang nagkakaisa sa mga Pilipino.

Sa taon na ito, ipinagdidiwang ang Buwan ng wika sa temang “Filipino: Wikang mapagpalaya.” Bukod dito, mayroon din itinakdang paksa sa bawat linggo.

--Ads--

Kabilang sa pagdiriwang, ipinapanatili ang mga aktibidad na nagpapalakas ng kulturang Pilipino.

Kaugnay nito, naglalabas ang Department of Education ng maaaring pagbatayan ng mga paaralan sa pagdiriwang nito.

Pagdating naman sa Komisyon sa Wikang Filipino, nagsasagawa aniya sila ng webinar, kung saan nakaangkla ang aktibidad sa itinakdang lingguhang paksa.

May iba’t ibang aktibidad din ang gagawin ng Sentro ng Wika’t Kultura na nakabase naman sa mga pampublikong pamantasan at unibersidad sa buong Pilipinas.