Dagupan City – Pinapaigting ng Balungao Municipal Police Station ang information dissemination sa mga motorista sa pamamagitan ng Checkpoints tungkol sa Provincial Ordinance no. 325-2024 o ang ordinansang pagsusuot ng Reflectorize Vest.

Ayon kay Pmaj. Jimmy Paningbatan, Chief of Police ng Balungao PNP, hindi muna sila nanghuhuli bagkus ay nagbibigay muna sila ng mga paalala sa mga motorista na kailangan na nila magsuot ng vest.

Ang ordinansa ay alinsunod sa ipinatupad ng Pangasinan Provincial Government.

--Ads--

Dahil dito, binigyan ng 3 linggo ang mga kapulisan upang ipaalam sa mga motorista ang ganitong ordinansa kung saan nagsimula na sila noong pang hulyo 23, 2024.

Nasa 3 beses umano silang nagsasagawa ng schedule interview na nagtatagal ng 2 oras habang mayroon pang-initiated checkpoints at oplan sita.

Samantala, nakapagtala naman na ang kanilang bayan ng 8 aksidente simula enero hanggang Agosto, kung saan 3 ang physical Injury, 2 ang damage to property, at 1 ang nasawi.

Matatandaan na inaprubahan ng Pangasinan Provincial Government ang ordinance number 325-2024 hinggil sa regulasyon sa mga motorcycle rider na lumalabas ng gabi.

Na may layuning makapag-suot ng high-visibility reflectorized vest ang mga motorcycle rider, mga angkas sa oras na ala-6 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.

Kabilang din sa ni-require na magsuot ng reflectorized vest o lominously-colored garments ang mga tricycle drivers, mga bisikleta at e-bike.