BOMBO DAGUPAN – Ang pagkakaroon ng sedentary lifestyle o hindi aktibong pamumuhay ay isang malaking salik upang magkaroon ng malubhang sakit isa na diyan ang pagkakaroon ng Diabetes.
Ayon Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate na ang diabetes ay isang seryosong sakit kung saan ang sugar level sa dugo ng isang tao ay mataas ang mga antas o mataas ang lebel.
Aniya na may dalawang uri ang nasabing sakit una ay ang type 1 diabetes kung saan ito ay hindi pangkaraniwan at nakukuha lamang kapag ipinanganak ang isang tao na may deperensiya sa katawan.
Habang ang type 2 diabetes naman ay na-aacquire ng isang tao kapag abusado ito sa kaniyang katawan. Gaya na lamang ng pagkain ng sobrang matatamis na mga pagkain gayundin ang hindi pag-eehersisyo.
Dagdag pa niya na hindi ito nadadiagnose agad bagamat matagal bago makita ang mga komplikasyon nito.
Nagpaalala naman ito na mainam na magkaroon ng lifestyle change, ikontrol ang diet upang maregulate ang blood sugar at iwasan ang pagkain ng masyadong matatamis.