BOMBO DAGUPAN- Makikiisa bukas ang Pangasinan Modern Transport Alliance Cooperative Transport Service Entities o Grupo ng mga Pro-Modernazation program sa buong probinsya para sa isasagawang unity walk nationwide para sa panawagang huwag ituloy ang pagsuspende ng Public Transport Modernization Program o PTMP.
Kaugnay nito ang Pangasinan Modern Transport Alliance Cooperative Transport Service Entities Region 1 ay makiisa sa mangyayaring unity walk papunta sa Malacañang kasama ang humigit kumulang 100 miyembro ng naturang grupo
Bitbit ang appeal letter na naglalaman ng mensahe kay President Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. na huwag isuspendi ang programa at pakinggan ang kanilang panawagan.
Ayon kay Chairman Jessie Quiroz ng Dagupan City Bonuan Loop Transport Cooperative layon ng nasabing unity walk na ito na maiparating sa gobyerno ang magiging problema sa oras na isuspendi ang puv modernization program, dahil aniya na hindi lamang ang mga drivers at operator nito ang apektado ngunit maging ang mga mananakay lalo na at nakapagconsolidate at sumama na sa mga kooperatiba ang mga ito.
Samantala ayon naman kay Danny – Vice Chairman San carlos city transpor cooperative na dapat hindi ito isuspendi lalo na at tapos na ang consolidation period at lahat ng mga driver at operator ay nakapag-consolidate na kaya naman malaking pahirap ito para sa kanila kung sakaling isuspendi.