BOMBO DAGUPAN – Nagtala ng kasaysayan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Asya ang pagkapanalo ni Carlos Yulo ng gintong medalya sa Floor Exercise event ng Artistic Gymnastics sa Paris Olympics.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France lahat ng hirap sa training ay nagbunga ng legendary win ng olympic gold kaya naman nakakataba ng puso ang kanyang emosyon matapos ang kanyang panalo.
Sinabi ni Valdez na ipinagmamalaki rin si Yulo hindi lang ang bansang Pilipinas maging ang Japan dahil doon siya nag training.
Natutuwa aniya ang Filipino Community saan mag panig ng mundo dahil sa karangalang nakamit ng Pinoy gymnast.
Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.
Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas.
Ito na ang pangalawang ginto sa kasaysayan ng bansa matapos na unang masungkit ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa weightlifting competition noong 2020 Tokyo Olympics.