BOMBO DAGUPAN – Kabaliktaran umano ang ipinagmamalaki ng Department of Agriculture na bababa na ang presyo ng bigas kapag naipatupad ang EO 62 dahil hanggang ngayon ay nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa palengke.

Ayon kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas ,marami siyag inikutang palengke at nananatiling P52.00-P50.00 ang pinakamababang presyo ng bigas at wala ang binabanggit nilang na bababa ng P6 hanggang P5 ang presyo ng bigas.

Ang P45 na presyo ng bigas ay nasa apat na kadiwa center lamang kaya hindi aniya matatawag na rice for all.

--Ads--

Naniniwala si Estavillo na palabas muli ng gobyerno na bumaba ang presyo ng bigas pero ang katotohanan ay pinipilahan ng marami, limited ng puwedeng bilhin at marami ang hindi makabili.

Hamon niya sa administrasyon na dalhin sa palengke ang P45 bawat kilo at hindi para makikiusap sa mga traders na maglabas ng P45 bawat kilo.

Ipinakikita lang umano na may mabibiling mas mababa sa P52 kada kilo at pansamantala lamang.

Giit nito na inaasahan pa rin ng gobyerno para mapababa ang bigas ay sa pamamagitan ng importasyon.

Dagdag pa niya ginawa tayong umasa sa importasyon at kasabay nito ay ang pagkalugi naman ng mga magsasaka dahil kapag bumabaha ang imported na bigas sa bansa ay hindi nabibili ang palay ng mga ito at ang nakikinabang sa EO 62 ay mga importer, traders at millers.