Dagupan City – Inaasahan na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6% sa second quarter ng taon.
Ito ang sinabi ng isang ekonomista sa isang ulat kung saan ang driver’s ng paglago ay kinabibilangan ng mas mataas na paggasta ng mga consumer at pamahalaan.
Sinabi nito na ang mas mabilis na paggastos ng pamahalaan ay pinangunahan ng patuloy na paglago sa infrastructure spending, pati na rin ng mga paghahanda para sa May 2025 midterm elections.
Isa sa kadahilanan dito ay dahil minamadali ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga proyekto o programa bago ang election ban.
Matatandaan na sa first quarter ng taon, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 5.7 percent.
Ang naging paglago ng ekonomiya ng bansa malapit o sa 6% levels ay maaaring masustina sa mga susunod na quarters dahil sa kaaya-ayang demographics at patuloy na pagbangon ng ilang industriya tulad ng turismo.