BOMBO DAGUPAN- Iniukit na ni Filipino Gymnast Carlos Yulo ang kaniyang pangalan sa kasaysayan ng Pilipinas sa palakasan matapos nitong makamit ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.

Matapos ang makapigil hiningang performance ni Yulo sa Bercy Arena, nakapagtala ito ng 15.000 score upang makamit ang kampyeonato.

Ipinakita kase nito ang mala-flawless routine nito na may signature combination ng high-flying tumbles at pag-ikot.

--Ads--

Si Yulo ang pangalawang atletang Pilipino na nakapagtala ng gold medal sa Olympics. Ang unang nakakuha ng gintong medaly para sa bansa ay si Filipino weightlfter Hidilyn Diaz noong 2020 Tokyo Olympics.