BOMBO DAGUPAN – Matagumapay na isinagawa sa SM Center Dagupan ang Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture na naglalayong magbigay ng kaalaman sa pagtatanim at magbigay ng kabuhayan sa mga napiling benepisyaryo.

Ayon kay Michelle Charlene Chua-Assistant Mall Manager SM Dagupan na nagsimula noong 2007 ang nasabing programa kung saan nakita nila ang problema sa pagkain at pagtatanim. At sa kagustuhan na matulungan ang mga magsasaka na maparami ang kanilang ani at maitinda ito sa mga sm supermalls at sm supermarkets. Aniya na pang-apat na batch na ito at nasa 100 participants ang lumahok.

Ayon naman kay Arnold Santos-Director Provincial Science and Technology-Pangasinan ay patuloy na ibinabahagi ng kanilang tanggapan kung ano man ang mga teknolohiya at kagamitan na mayroon sila upang mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo at kung ano pa ang karagdagang tulong na kanilang maihahandog sa mga ito.

--Ads--

Dagdag pa niya na maaari din silang magsagawa ng mga training gaya na lamang ng pagproseso ng kanilang mga produce na gulay upang masiguro na malinis ang kanilang ilalabas na produkto.

Samantala, ayon naman sa mga benepisyaryo ay karagdagang kaalaman at malaking tulong ito para sakanila.