BOMBO DAGUPAN – “Dapat ang objective natin ay self-reliant defense force.”
Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco- Political Analyst kaugnay sa $500 milyong military financing commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas na makatutulong sa pagpapalakas ng kakayanang pangdepensa at alyansa ng dalawang bansa.
Bagamat nagpapasalamat aniya sa natatanggap na tulong ng bansa subalit pagbibigay diin nito na ito ay panandaliang tulong lamang at mainam parin na tayo ay self-reliant upang hindi na aasa kailanman sa aid o tulong ng ibang bansa.
Kaugnay nito ay wala naman ng ibang negatibong epekto ang nasabing tulong subalit aniya ay lalo lamang mapipikon ang Beijing sa tuwing nakikita nila na mayroong progression pagdating sa ating defense capability.
Samantala, umaasa naman ito na ang pera na ito ay mapupunta sa pagpapalakas ng ating military capability upang ito ay magdulot ng paglakas sa pagdepensa sa ating teritoryo.