Dagupan City – Kinwestyon ng Alliance of Concern Transport Organization ang inihain ng mga Senador na resolution na nananawagan sa pansamantalang suspensiyon ng PUV Modernization.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, Presidente ng Alliance of Concern Transport Organization, laking gulat nito nang i-anunsyo ang pagpapatigil ng PUV Modernization program gayong nakapag-consolidate na sila.
Aniya, isa sa unang inisip nito ay kung paano na lamang ang mga operators na nauna nang nakapagpa-consolidate.
Kung kaya’t hindi aniya siya masisisi kung magsasagawa sila ng tigil-pasada sa gitna ng pagkadismaya ng mga ito sa inihain ng mga Senador na resolution na nananawagan sa pansamantalang suspensiyon ng programa at hindi kinukuha ang kanilang mga hinaing.
Binigyang diin nito na respetuhan sana ang kanilang naging desisyon dahil nang ang mga operetaors an hindi pabor ang nanawagan sa pamahalaan ay nirespeto rin nila ito.
Mistula kasi aniyang binalewala ang kanilang sakripisyo para sa programa, gayong 80% na ang consolidated sa bansa at nasa 18-20% lamang ang hindi.
Nanawagan naman ito sa pamahalaan na tutukan ng mga ito ang mga nais makapagpa-consolidate ngunit walang sapat na pera para sumailalim dito at pakinggan ang kanilang hinaing na tumalima sila sa panukala ng gobyerno.