BOMBO DAGUPAN- ‘Political grandstanding’ umano ang ipinakita ni Senate Pres. Chiz Escudero dahil sa pag putol nito sa pagsasalita ng resource speaker sa isinagawang budget hearing ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Aguilar,Secretary General ng National Confederation of Transport Workers Union, hindi niya ito nagustuhan dahil hindi naman aniya natugunan ang lahat ng issue kundi, tila may pinaburan lamang ito.

Saad niya, hindi naman ito maaaring iasa sa LTFRB at DoTr dahil senado mismo ang dapat magbigay ng solusyon.

--Ads--

Hindi kase nagkakaroon ng maayos na pagtugon ang mga ito kahit nabibigyan ng pagdinig ang kanilang proposal.

Para kay Aguilar, dapat nagkaroon muna ng batas upang masuportahan ang pagpopondo at sa gayon, unti-unti itong magagawa.

Samantala, hindi tinututulan ni Aguilar ang mga nagpaplano ng transport strike dahil sa sitwasyon ng programa.

Gayunpaman, hindi dapat ito ng maging pagtugon sa problema kundi magkaisa upang hikayatin ang gobyerno na mapagaan ang buhay sa public transportation.

Marami na din kaseng mga solusyon ang inalok sa pagdinig at kailangan na lamng i-adopt ito.

Kinakailangan ang tuloy-tuloy na pagdinig hanggang magkaroon ng tunay na kasagutan sa problema.