BOMBO DAGUPAN- Palpak.
Ganito isinalarwan ni Jaime Aguilar, Secretary General ng National Confederation of Transport Workers Union, ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, sa simula pa lamang ay marami na itong problema. At kung tuluyan itong susupindehin, ang mga nakapagconsolidate at nakautang sa bangko ang labis na maaapektuhan.
Kaugnay diyan, wala din aniyang kasiguraduhan sa pagpapaayos ng modernized jeepney kapag ito ay nasira dahil walang available na spare parts sa bansa.
Giit ni Aguilar na wala din sapat na proteksyon sa mga nakapagconsolidate dahil nababahiran ng pulitika at kurapsyon ang programa.
Hindi din kase aniya ito binibigyan ng Department of Transportation ng tamang budget kahit gaano pa nila ito suportahan.
Subalit, kahit gaano pa karami ang pondo ng gobyerno ay sa iba naman ito ginagamit.
Saad ni Aguilar, kung itatag ang batas kaugnay PUVMP dapat lang palakasin ang Eco PUV capacity upang matugunan ang mga kinakaharap na problema.
Kung tutuusin, malaki aniya ang budget ng bansa para sa 2025 at kayang kaya nito tugunan ang problema sa sektor ng transportasyon kung bibigyan ito ng kaakibat na mga programa, katulad ng paglipat ng fuel subsidy sa service contracting.
Aniya, tamang transisyon ang kinakailangan upang maitulak ang batas sa modernization upang matiyak ang malaking pondo na makakapagigay ng ginhawa sa lahat ng mananakay at transport workers.