DAGUPAN CITY- Nagpatawag ng pagpupulong ang himpilan ng Malasiqui PNP sa mga tricycle drivers at biktima sa isyu ng scam upang alamin ang tulong na maaaring maibigay sa kanila.

Ayon kay PLT.COL. Edgar Palaylay, Chief of Police ng Malasiqui PNP, marmai ang dumalo sa nasabing pagpupulong dahil sa takot na magamit din ang kanilang pangalan sa pagkuha muli ng loan ng mga suspek sa bangko.

Nakipag ugnayan naman sina Plt. Col. Palaylay sa UnionBank Dagupan Branch upang malaman ang pangyayari, gayun na din sa pagpigil muli sa parehong isyu.

--Ads--

Nagpaalala naman si Palaylay sa mga residente ng Malasiqui sa kanilang buong handang pagtulong sa mga nabiktima upang malinis ang kanilang pangalan sa bangko.

Dagdag pa niya, iwasan ang pagbibigay ng dokumento sa mga hindi kakilala para maiwasan ang kaparehong pangyayari.

Matatandaan na nabiktima ang mga ito nang palitan ng P150 ang kanilang pirma at xerox ng kanilang ID upang makatanggap umano sila ng ayuda.

At gamit ang mga dokumentong nakuha ng mga sindikato, ginawa umano nilang co-maker ang mga ito sa kanilang kinuhang loan sa bangko.