BOMBO DAGUPAN -Nagtapos Si Joanie Delgaco sa ika-20 puwesto sa pangkalahatang ranking ng women’s single sculls category.

Ayon kay Edgardo Macabitas Oly, Coach ng Philippine Rowing Team, tuwang tuwa ang team Philippines dahil na hit ni Delgaco ang target nilangmag top 20.

Aniya, ang makapasok sa top 20 ay malaking bagay na lalo na ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng babaeng participants sa Olympics at ito ay magpapataas sa morale ng mga Pilipino na nais sumabak sa rowing.

--Ads--

Sa classification race sa Nautical St – Flat Water nagtapos si Delgaco sa ikalawang puwesto mula sa anim na rowers sa Heat D sa opisyal na oras na 7:43.83 minuto – ang kanyang pinakamahusay na oras sa lahat ng kanyang limang karera na ginanap sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.

Ang unang Pinay rower ay nasa ikalima sa kalagitnaan ng karera nang gumawa siya ng todo-pusong pagsisikap upang makuha ang pangalawang posisyon na kanyang napanatili hanggang sa huli.

Sa kanyang debut sa Paris Olympics, ang volleyball player-turned-rower ay gumawa ng magandang account sa kanyang sarili pagkatapos na maabot ang quarterfinals sa pamamagitan ng repechage.

Tinapos ni Delgaco ang kanyang makasaysayang karera sa Paris bilang kauna-unahang babaeng Filipina rower na sumabak sa quadrennial sporting event.

Samantala, hindi pa nagtatapos ang karera ni Delgaco isa siya sa napili ng world rowing sa Asia na susuportahan at bibigyan ng test para ma evaluate ang kanyang performance.