Dagupan City – Aasahan ngayon panahon ng tag-ulan ang pagtaasang kaso ng dengue.
Ayon kay Geellen V. De Vera Rural Sanitary Inspector III Calasiao, nakapagtala ang bayan nitong hulyo 27 ng 41 kaso ng dengue mula enero 1 sa kasalukuyang taon.
Karamihan naman sa mga ito ay nasa edad 5 hanggang 20 taong gulang.
Ipinaliwanag naman nito ang mga sintomas sa sakit gaya na lamang ng; pabalik-balik na lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, panghihina ng katawan, rushes, nose bleeding, at internal bleeding.
Upang makaiwas sa sakit, nagsasagawa na sila ng community assembly kung saan tinatalakay ang information dissemination ng Department of Health patungkol sa 4S na ang ibig sabihin ay Search and destroy sa posibleng pagtirhan ng nga lamok, Seek early consultation kung sakaling makaranas ng mga simptomas, Self-protection meassures, at Support for spraying and fogging.
Nagpaalala naman si De Vera na panatilihing malinis ang kapaligiran dahil madalas ang breeding sites ng mga lamok ay sa mga stagnant water, at bukas ang kanilang opisina upang tumugon at tumulong.