BOMBO DAGUPAN -Tatlo sa mga lalaking inakusahan na nagplano ng mga pag-atake ng terorista noong Setyembre 11, 2001 ay pumasok sa isang pre-trial na kasunduan.
Ayon sa US Department of Defense,sina Khalid Sheikh Mohammad, Walid Muhammad Salih Mubarak Bin Attash, at Mustafa Ahmed Adam al-Hawsawi ay nakakulong sa base ng US Navy sa Guantanamo Bay, Cuba, sa loob ng maraming taon nang hindi dumaan sa paglilitis.
Halos 3,000 katao sa New York, Virginia at Pennsylvania ang napatay sa mga pag-atake ng al-Qaeda, na nagdulot ng ” “War on Terror” at ang mga pagsalakay sa Afghanistan at Iraq.
Ito ang itinutituring na pinakanakamamatay na pag-atake sa US mula noong 1941 na pag-atake ng mga Hapon sa Pearl Harbour, Hawaii, bilang posiblenmg kaparusahan, ang tatlo na inakusahan ay pumayag na mag plead guilty sa lahat ng charged offenses, kabilang ang pagpaslang sa 2,976 na katao na nasa talaan ng charge sheet.