Dagupan City – Nakatakdang mamuhunan ng 1.5 billion dollars ang multinational conglomerate sa Thailand na Charoen Pokphand Group o CP Group para sa mga agricultural project sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kung saan ay kinabibilangan ito ng pagtatayo ng 10,000 ektaryang modernong mega farm.

Kaugnay ito sa naikasa ng pangulo matapos makipagpulong sa multinational company sa Laperal Mansion kung saan natalakay ang investment na inaasahang magpapalakas sa sektor ng agrikultura sa bansa at makakalikha ng kabuhayan.

--Ads--

Ang CP Group ay isa sa pinakamalaking conglomerate sa Asya na may operasyon sa agrikultura, pagkain, retail, telecommunication, at pharmaceutical. Kilala rin sila sa kanilang tatak na “7-Eleven” sa Thailand at iba sa iba’t ibang bansa.