BOMBO DAGUPAN- Dapat sundin ng gobyerno ang rekomendasyon ng United Nations na maglaan ng 6% ng Gross Domestic Product para sa 6% na budget ng edukasyon kaugnay sa ilalabas na P6.35-trillion para sa National Budget ng 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers Philippines, sa loob kase ng halos 5 taon, umaabot lamang sa 3.5% ang budget na inilalaan para sa edukasyon ng bansa.
Umaabot man aniya sa P977-billion ang ilalaan ng Department of Budget Management para sa budget ng edukasyon ngayon taon subalit, katanungan ni Quetua kung umabot ba ito sa rekomendasyon ng UN.
Kaya panawagan nilang taasan ito upang magkaroon ng solusyon ang ilang problema katulad ng pagkukulang at backlogs ng curriculum.
Para sakaniya, dapat bawasan ang mga pondo ng mga hindi naman gaanong prayoridad para sa bansa.
Kailangan din kase pagtuonan ng pondo ang social services kung saan kabilang din ang edukasyon.
Gayunpaman, sinabi ni Quetua na gumawa sila ng kasulatan para sa bagong kalihim dahil nais nilang pag-usapan ang pagbibigay ng budget sa kanilang sektor.