BOMBO DAGUPAN- Kakaiba umano ang pagbubukas ng bagong school year ngayon taon dahil problemang iniwan na kakaharapin ng bagong kalihim ng edukasyon

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers Philippines, matindi ang kanilang assesment sa edukasyon ngayon dahil kanilang babantayan ang pagkukulang sa edukasyon ng bansa, ang Matatag Curriculum, at ang kahandaan ng gobyerno sa mga kalamidad.

Isa umanong pagsubok para kay bagong Department of Education Secretary Sonny Angara ang pagsalubong ng panibagong taon sa pag-aaral matapos ang pananalasa ng bagyo sa bansa.

--Ads--

Aniya, ilang taon nang binabagyo ang bansa at ang pangunahin ginagamit na evacuation centers ay ang mga paaralan. Gayunpaman, hindi itinutuon ng gobyerno ang paggamit ng malaking pondo ng infra-projects sa pagpapatayo ng mga pasilidad para evacuation kundi binabahiran lamang ito ng politika.

At kapag eskwelahan naman ang naapektuhan ng kalamidad, nagiging solusyon laamng ng gobyerno ay ang pagpapatupad ng Blended Learning subalit, iginiit ni Quetua na nakakaapekto lamang ito sa kalidad ng edukasyon.

Samantala, hindi lang din estudyante ang dumami kundi ang tuturuang asignatura ng mga kaguruan sa maiksing oras dahil sa Matatag Curriculum.

Kaya aniya, dapat magkaroon ng comprehensive assesment sa panibagong kurikulum upang maiwasan muling mag mistulang guinnea pig ang mga mag-aaral.

Importante umano ang pagkakaroon ng konsultasyon kaugnay nito upang matiyak ang sapat na kagamitan para sa idaragdag na asignatura.

Maliban diyan, kwestyonable ang kaligtasan para sa mga mag-aaral na uuwi ng gabi dahil sa karagdagang oras na ilalaan para sa panibagong kurikulum.

Kaya mahalaga umanong alamin kung para kanino talaga ang Matatag Curriculum dahil magdudulot lamang ito ng problema kung hindi naman ito direktang para sa bansa.

Maliban diyan, malaki din aniya ang iniwan ni Vice President Sara Duterte sa edukasyon bago ito bumababa bilang kalihim.

Gayunpaman, umaasa sila sa mga gagawin ng bagong kalihim para sa edukasyon ng bansa.