BOMBO DAGUPAN- Isinagawa ang 2+2 meeting sa bansa kung saan ito ay isang panibagong hakbang para palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at US at maituturing na once-in-a generation investment para tulungan ang modernization program ng AFP at PCG.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco- Political Analyst na dalawang bagay ang kailangan nating bantayan kaugnay dito.
Una kailangan aminin na ang ganitong klaseng pakikipag-ugnayan ay hindi lamang para sa ating depensa kundi pati na rin sa ating ekonomiya at lipunan.
Aniya na ang mga ugnayan na ganito ay “absolutely necessary at unavoidable.”
Pangalawa, bagamat ay maganda ang ganitong mga ugnayan subalit maging maingat parin tayo upang hindi makita na parang tuta lamang ang ating bansa na sunod-sunuran lamang sa amerika. Dapat hindi ganitong impresyon ang ating makuha.
Marahil ang ugnayan na ito hindi one sided lamang o walang kapalit. Ang mutual defense treaty na ating napagkasunduan ay nangangahulugan din na tayo ay may commitment na tumulong sa amerika kapag inatake ng kalaban nila.
Samantala, kaugnay naman sa provisional agreement sa beijing kaugnay sa rore mission bagamat ay hindi nasabi ang detalye ay hindi natin alam kung ano ang mga napagkasunduan.
Subalit mainam parin aniya na tayo ay maghanda parin upang hindi na tayo magugulat ulit kagaya noong nangyari noong Hulyo 17 sa West Philippine Sea.