BOMBO DAGUPAN – Umabot sa mahigit P222 million na danyos sa imprakstraktura habang P21.7 miilion sa agriculture sector sa lalawigan ng Pangasinan na bunsod ng nagdaang habagat at pananalasa ng bagyong Carina.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, may nakahanda ng tulong sa mga magsasaka at mga residente na naapektuhan ng pagbaha.
Laking pasalamat naman ng bise gobenador na hindi gaanong naapektuhan ang mga magsasaka at residente hindi tulad sa ibang probinsya.
Ikinatuwa pa aniya ng ilang magsasaka ang pag ulan dahil nakatipid sila sa irigasyon at napatubigan ang mga pananim.
Dagdag pa rito ang aktibong pagtrabaho ng Disaster Prevention and Mitigation Unit (DPMU) upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Gamit ang mga Heavy Equipment, isinagawa umano ang mga kinakailangang hakbang sa iba’t ibang lugar sa probinsya ng upang mabawasan ang epekto ng malakas na ulan at pag-agos ng tubig.