Dagupan City – Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na importanteng mapag-aralan at muling masuri ang alyansa ng Amerika at Pilipinas kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea at Indo Pacific Region.

Ito ang sinabi ng pangulo matapos ang kaniyang pakikipagpulong sa dalawang mataas na opisyal ng Estados Unidos.

Dahil ayon sa pangulo, mahalaga ang pagiging bukas ng komunikasyon ng dalawang bansa lalo na sa pagtugon sa maraming aspeto.

--Ads--

Naniniwala naman ito na sa pamamagitan nito ay mas mapag-aaralang mabuti ang mga aksiyon.

Samantala, binigyang diin naman ng pangulo na mas lumakas pa ang alyansa dahil sa mga aktibidad ng dalawang bansa sa mga nakalipas na buwan kabilang na rito ang trilateral meeting na ginanap sa Washington.

Bukas din aniya ang pangulo sa pagbisita ni US Secretary of State Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa kabilassss ng political situation ngayon sa Amerika.

Sa kabilang dako naman, personal na nag-alok ng tulong si US Secretary of State Anthony Blinken sa anuman daw ang kailanganin ng bansa kabilang na rito ang pagbibigay ng tulong sa mga naging biktima ng habagat at Bagyong Carina.