BOMBO DAGUPAN – Ipinagdiwang ang homecoming celebration ni Limgas na Pangasinan World 2023 na ngayon ay Miss Multinational Philippines 2024 na si Miss Nikki Buenafe ng Binmaley, Pangasinan na ginanap sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan.

Sinalubong si Nikki ng magarbong presentasyon na cultural dance performance kung saan dumalo si Provincial Governor na si Hon. Ramon Guico III kasama si first lady, Maan Tuazon Guico na siyang Chairperson ng Limgas na Pangasinan. Naroon rin si Vice Governor Mark Lambino at ilang mga LGU officials.

Kasama ng kaniyang mga magulang, glam team, at ilang supporters, kanyang tinanggap ang kanyang parangal na siya ring pagkilala bilang isang pride of Pangasinan.

--Ads--

Lubos naman ang pasasalamat ni Nikki sa lahat ng sumusuporta sakanya at pinaghahandaan na nito ang kaniyang nalalapit na International pageant.