Dagupan City – Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 14 na bagong transport network companies (TNCs) na mag-operate sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, kung saan ay inaprubahan ng ahensya ang karagdagang transport network companies, at paglalabas ng bagong transport network vehicle service (TNVS) slots.
Layunin nito na matugunan ang tumataas na demand ng ride-hailing market.
Ang 14 bagong transport network companies ay kinabibilangan ng Angkas Technologies, Aztech Solution International Corp., Get Express Global Corporation, GoCab Corp., Hail Transport Inc.,at iba pa.
Kaugnay nito, ni-renew na rin ng LTFRB ang accreditation ng mga service vehicle.
Ayon pa kay Guadiz, mahigpit na makikipag-ugnayan ang LTFRB sa lahat ng accredited TNCs upang mabantayan ang pagsunod sa mga regulasyon, at matiyak na ang riding public ay mabibigyan ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo.