Dagupan City – Isinumite na ng Kamara sa administrayon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng panukalang P6.352 trilyong budget para sa susunod na taon.

Kung saan ay pinangunahan ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa pamunuan ng 2025 National Expenditure Program kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kaugnay nito, ginanap din ang simpleng turnover ceremony sa Romualdez Hall ng Kamara sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City.
Matatandaan na nauna nang sinabi ni Speaker Romualdez na handa na ang Kamara na tanggapin ang proposed 2025 national budget kaakibat ang pangako na agad nilang sisimulan ang deliberasyon nito sa komite.

--Ads--

Target naman ni Romualdez na aprubahan ang panukalang budget bago ang susunod na sesyon sa Oktubre.

Samantala, tiniyan naman nito na isasagawa ang masusing pag-aaral upang masiguro na tama ang ginagawang paggastos ng mga ahensya ng pamahalaan.