Dagupan City – Nagbukas na sa unang araw ng pasukan ang mga mababang paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Sir Randy Santillan, Principal IV ng West Central Elementary School inaasahan ng kanilang paaralan ang nasa higit 1,600 na mga mag-aaral ang papasok ngayong araw.

Bukas naman aniya ang lahat ng silid-aralan bagama’t may mga ilang bahagi na nadapuan ng baha.

--Ads--

Katuwang ang mga guro, nakipag-ugnayan naman ang mga ito sa hanay ng kapulisan, at sa mga stakeholders sa syudad upang umantabay sa seguridad ng mga studyanteng papasok.

Paalala naman nito sa late enrollees, bukas pa ang kanilang oplan balik eskuwela.