BOMBO DAGUPAN – “Simpleng adjustment sa lifestyle”
Yan ang ibinahagi ni Dr.Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate patungkol sa pagkakaroon ng hypertension.
Aniya ay hindi naman talaga ito isang sakit bagkus ay isang kondisyon kung saan ang blood pressure ng isang tao ay sobra sa normal.
Sa pagkakaroon ng nasabing kondisyon ay mainam na bawas-bawasan ang pagkain ng mga matatamis, matataba at maaalat na mga pagkain. Mahalaga din na iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Ang mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng hypertension ay pananakit ng ulo, pagkahilo, madaling mapagod at pagkaramdam na laging nasusuka kaya’t mainam na magpakonsulta agad sa pinakamalapit ng health centers o clinic sa inyong lugar upang malaman ang iyong kondisyon.
Kaugnay naman sa paniniwalang namamana ang ganitong kondisyon ani Dr. Glenn na kulang sa ebidensiya ang “belief” na ito siguro lamang aniya ay may magkakamag-anak na pare-parehas ang lifestyle bagay na maaaring salik sa ganitong kondisyon.
Samantala, mahalaga aniya na ugaliin na lamang na magkaroon ng walking exercise ng at least 30 mins kada araw at bawas-bawasan din ang pagkain ng kanin dahil malaki ang ambag nito sa pagtaas ng blood pressure ng isang tao.
Paalala na lamang niya na hanggat maaari ay iwasan ang stress at baguhin ang nakasanayang sedentary lifestyle o ang paggugol ng anim o higit pang oras bawat araw na nakaupo o nakahiga at walang makabuluhang pisikal na paggalaw sa pang-araw-araw na pamumuhay.