BOMBO DAGUPAN- Gumawa ng kasaysayan si Filipino Rower Joanie Delgaco sa 2024 Paris Olympics matapos umabante sa quarterfinals ng women’s single sculls.
Ayon kay Edgardo Macabitas Oly Coach, Philippine Rowing Team na naging kalmado si Delgaco sa kaniyang natapos na race kung saan nagawa nito ang race 1 and 2 ng nasabing palaro.
Aniya na talagang sinabi daw nito na babawi siya at ipinakita rin ang kagustuhan na talagang makapasok at umabante sa kompetisyon.
Bagamat nahirapan si Delgaco sa una nitong laro kung saan ay kinapos siya subalit ayon kay Coach Edgardo ay nahigitan nito ng isang segundo ang kaniyang nakalipas na record.
Sa kasalukuyan ay nagpapahinga muna si Delgaco dahil wala siyang nakatakdang laro ngayong araw ngunit magkakaroon ulit siya ng training bukas ng umaga (oras sa Paris) at muling magpapahinga sa hapon upang mas bago ulit ang kaniyang pakiramdam bago sumalang sakanyang susunod na laro.
Kaugnay nito ay labis na natutuwa si Coach Edgardo dahil kauna-unahang babae sa bansa si Delgaco na nakapasok sa quarterfinals sa rowing.
Samantala, nagpapasalamat naman ito sa pagdarasal at suporta sa delegado ng bansa para sa olympics at hiling nito na sana magbunga ang ating mga panalangin.