BOMBO DAGUPAN – Isa ang bansa sa may pinakamababang pasahod sa mga guro sa southeast asian countries kung saan tayo ay nasa pangatlong pwesto.

Ayon kay France Castro-ACT Teachers Partylist Representative na dapat ay magstep-up ang gobyerno para mailagay sa tama ang sweldo ng mga guro.

Aniya ay atleast P50,000 dapat ang entry level sa pasahod at pondohan din dapat ng gobyerno ang expanded career progression ng mga ito.

--Ads--

Kaugnay naman sa naging pahayag ni Pres.Bongbong Marcos Jr. na “walang magreretire na teacher 1” sa kanyang nakalipas na SONA aniya ay dapat malinaw kung ilan ang i-aallot ng kagawaran ng edukasyon na item sa iba’t ibang posisyon sa sektor gayundin ay maevaluate lahat ng mga guro kaugnay dito.

Samantala, patungkol naman sa MATATAG Curriculum sa tingin ni Rep. Castro ay hindi ito maganda dahil kinompress ang mga lessons at pinahaba ang oras ng pagtuturo ng mga guro.

Pagbabahagi niya na kung nais ng gobyerno ng dekalidad na edukasyon dapat ay ayusin muna ang curriculum, dagdagan ang budget sa nasabing sektor at maayos na sweldo sa ating mga guro.