DAGUPAN CITY- Umaabot na sa 628,406 ang mga nakapag-enroll na sa mga pampublikong paaralan, batay sa initial data ng Policy Planning and Research Division.

Ayon kay Joan Sabado, Project Development Officer II ng Department of Education 1, umabot naman sa 1,101,162 ang mga nagpaenroll noong nakaraang taon.

Kaya inaasahan nilang kabilang sa mga nakapag enroll at makakapasok sa panibagong school year ay ang mga nakapagtapos din sa nakaraang pasukan.

--Ads--

Maganda din aniya sa Regional level kung may lilipat din na mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Samantala, iniiwasan man ng kanilang kagawaran ang mga magpapaenroll sa unang araw ng pasok,subalit, tatanggapin pa din nila ang mga ito maging ang mga maghahabol sa unang linggo ng pasukan.