BOMBO DAGUPAN – Tuloy-tuloy ang koordinasyon at komunikasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management sa bayan ng Sison kaugnay sa naging epekto ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon kay Edmundo Quinit Jr.MDRRM Officer III, Municipality of Sison maayos naman ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan at wala namang masyadong epekto ang nasabing bagyo.
Aniya na sa tatlong araw na kanilang pagmomonitor wala namang pagguho ng lupa na naipaulat at base sa initial report ay may isa lamang bahay na naaapektuhan at kasalukuyang nakitira muna sa kanilang kapitbahay.
Kaugnay nito ay binigyan na lamang nila ang apektado ng food pack.
Samantala, patuloy din ang kanilang clearing operation at nagawan na ng paraan ang mga baradong kanal kayat nakakausad na ang tubig.
May mga multi-purpose hall at covered court naman sa kanilang nasasakupan na maaaring gawing evacuation sites kung kinakailangan.
Nagpaaala naman ito sa lahat na ugaliing maging handa upang maiwasan ang mga ganitong sakuna at patuloy ang kanilang ginagawa upang maaabisuhan ang mga kababayan sa mga gagawin kapag may bagyo.
Samantala, ayon naman kay Keith Balintos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer sa bayan ng Mabini wala naman naitalang eavcuee at wala ring nangyaring baha sa kanilang nasasakupan.
Aniya ang mga daanan at barangay road na low lying ay agad din namang humupa ang baha.
Sa kasalukuyan ay karamihan sa kanilang gingawa ay mga clearing operations lalo na sa mga sanga ng mga puno na bumagsak sa mga daan.
Nagpaalala naman ito na sakaling may bagyo wag hahayaan na tumaas pa ang tubig baha bago lumikas.