Dagupan City – Magkahalong kasabikan at galak ang naramdaman ngayon ng mga atleta ng bansang Pilipinas ilang oras kanina bago ang pormal na pagsisimula na ng Paris Olympics.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino, handa na ang mga atleta na makikilahok sa parada ng opening ceremony.
Kasama nito si POC Secretary General Wharton Chan na nagsagawa ng inspection sa Olympic village kung saan mananatili ang mga atleta.
Dagdag pa Tolentino na natugunan naman ng lahat ng mga problema nila ng mga Paris Olympics organizers.
Ngunit may ilang mga coaches at opisyal ng POC ang naantala ang pagdating dahil sa nadelay ang biyahe bunsod ng pananalasa ng bagyong Carina.
Samantala, kumpiyansa naman si Tolentino na mahihigitan ng Pilipinas ang bilang ng medalya na kanilang nahakot noong nakaraang Tokyo Olympics.
Bukas sa madaling araw dito sa oras ng Pilipinas ay nakatakdang magsagawa ng opening ceremony ang 16 sa kabuuang 22 na mga atleta na lalahok ang sasali sa parada.