BOMBO DAGUPAN– Ilang katao ang nasawi sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dala ng Typhoon Gaemi sa Taiwan.

Ayon kay Othman Alvarez, bombo international news Correspondent sa Taiwan, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, malaki ang epekto ng bagyo sa mga residente sa southern city ng Kaohsuing kung saan isang trahedya ang sinapit ng isang pamilya matapos malaglag ang bitak ng semento galing sa taas ng gusali.
maang na

Samantala, maaga umanong nag abiso ang Taiwan government na nasa bahagi ng bundok at pinalikas ang mga residente kaya naman nakaligtas sila sa mga nangyaring landslide.

--Ads--

Saad pa ni Alvarez na sa 12 taon niya sa Taiwan, mas madalas ang nangyayaring lindol kaysa ang nararanasang bagyo.

Sa loob ng walong taon ay ngayon na muling naranaan ang malakas na bagyo sa nasabing bansa.